We are deeply disturbed by the allegations of sexual abuse by Cesar Chavez involving minors, reported to have been 13 and 15 years old. We also stand with Dolores Huerta, who has publicly shared that Chavez sexually assaulted her and that two pregnancies resulted from that abuse.
As an organization rooted in history, identity, and movement-building, our understanding of figures like Cesar Chavez, Dolores Huerta, and Larry Itliong has shaped how we teach solidarity, leadership, and collective action. These histories are not abstract to us, they are actively integrated into our work.
Through our stewardship of Delano Manongs Park in San José and Milpitas, and our recent collaboration with community partners and San José State University for Chavez, Huerta, and Itliong (CHI) Day, we work to uplift the legacy of Filipino and Chicano farmworker unity and to educate future generations on both the history and ongoing struggles for worker justice.
Let us make our position clear: there is no place in our movements for harm, especially against young people. The reported ages of those impacted, 13 and 15, underscore the seriousness and weight of these allegations. We center and stand with survivors, and with all those who may be impacted by this news.
We also acknowledge the complexity of confronting painful truths within movements we hold in high regard. Honoring our history does not mean ignoring harm. It means having the courage to face it with integrity.
We know this news may be heavy, disturbing, and destabilizing for many in our community. Please know that we are sitting with you in this moment. As we continue to learn more, LEAD Filipino will create space for community dialogue, reflection, and support.
Tagalog Translation
Kami ay lubhang nababahala sa mga paratang sekswal na pang-aabuso ni Cesar Chavez na kinasasangkutan ng mga menor de edad, na iniulat na 13 at 15 taong gulang. Nakikiisa rin kami kay Dolores Huerta, na nagbahagi na siya ay sekswal na inabuso ni Chavez at nagresulta ito sa dalawang pagbubuntis.
Bilang isang organisasyon na nakaugat sa kasaysayan, identidad, at pagbuo ng kilusan, malaki ang naging impluwensya sa amin nina Cesar Chavez, Dolores Huerta, at Larry Itliong. Malaki ang naging impluwensya nila sa kung paano namin isinasabuhay ang pagkakaisa, paglilingkod, at pagkilos. Ang mga kasaysayang ito ay hindi lang teorya para sa amin—nakikita ito sa ginagawa namin araw-araw.
Sa pamamagitan ng aming pangangalaga ng Delano Manongs Park sa San José at Milpitas, at ng aming pakikiisa sa mga community partners at San José State University para sa Chavez, Huerta, at Itliong (CHI) Day, patuloy naming itinataguyod ang pagkakaisa ng mga Pilipino at Chicano na magsasaka.
Layunin din naming turuan ang susunod na henerasyon tungkol sa kasaysayan at sa patuloy na laban para sa karapatan ng mga manggagawa.
Gusto naming malinaw ang aming paninindigan: walang lugar sa aming kilusan ang anumang uri ng pangaabuso, lalo na sa kabataan. Ang iniulat na edad ng mga naapektuhan—13 at 15—ay nagpapakita kung gaano kabigat at kaseryoso ang mga paratang ito. Nakikiisa at sumusuporta kami sa mga survivors, pati na rin sa lahat ng maaaring naapektuhan ng balitang ito.
Alam naming hindi madaling harapin ang masakit na katotohanan tungkol sa mga kilusang pinahahalagahan namin. Ang paggalang sa kasaysayan ay hindi nangangahulugang binabalewala ang abuso. Sa halip, pinipili naming harapin ito nang maayos at may paninindigan.
Alam namin na maaaring mabigat at nakakagulo ang balitang ito para sa ating komunidad. Nandito kami kasama ninyo sa panahong ito. Habang patuloy kaming natututo at nakakaalam pa, ang LEAD Filipino ay maglalaan ng pagkakataon para sa pag-uusap, pagproseso, at pagsuporta para sa komunidad.
